|
Post by j villanueva on May 3, 2009 15:33:36 GMT -5
ayan. kung sino man ang nagpost dito aapihin yung gawa...
este iki-critique.
yung magpapasa sa bulletin i-upload nyo gawa nyo dito.
pati ako sige. walangyain nyo rin gawa ko. lagi nyo namng ginagawa yun di ba?
ahehe. walang pikunan ha.
at sa mga magtatangkang maging kritiko, maging constructive namn kayo at walang asaran.
|
|
|
Post by fpj jr on May 4, 2009 14:37:05 GMT -5
yey... sige... eto ilan sa strips na nagawa ko.. kuya j gumana nga ang flickr! horay! hala ako ang unang i-gigisa... oo nga pala, ang title po niya ang Krisis! finocus ko muna yan kasi yan ang maraming characters at storya ... kung medyo naguguluhan po kayo may blog din po siya... adun po yung ilan pang strips. Thanks po sa mga magki-critique!
|
|
|
Post by maclufetz on May 7, 2009 6:30:04 GMT -5
Aba.... Ang husay... Sayang hindi ako marunong magphotoshop!! AARGH!!! Pwede naman siguro kahit color pencil lang di ba kuya J?? Pwede ba ang color pencil?
|
|
|
Post by teritoRYO on May 7, 2009 6:40:05 GMT -5
pede ba yung tamang comment lang.. hindi yung critique talaga..
|
|
|
Post by introvert on May 7, 2009 12:43:25 GMT -5
wawaweee ang galing.gus2 ko makipag compete kaso di nko motivated sa ngaun.way to go junior.haha~
|
|
|
Post by j villanueva on May 7, 2009 13:18:00 GMT -5
Aba.... Ang husay... Sayang hindi ako marunong magphotoshop!! AARGH!!! Pwede naman siguro kahit color pencil lang di ba kuya J?? Pwede ba ang color pencil? pwede pero galingan mo. yung ibang mattandang cartoonist watercolor lang. note matatanda. bata ka pa mac. dapat matutunan mo yan. subukan ko gumawa ng tutorial. peo di ako marunong mag-screen grab awah
|
|
|
Post by j villanueva on May 7, 2009 13:19:18 GMT -5
pede ba yung tamang comment lang.. hindi yung critique talaga.. oo. puede. di ko rin alam ang tamang critique. peo sana kung may off kayong napansin sabihn nyo
|
|
|
Post by j villanueva on May 7, 2009 14:12:49 GMT -5
para kay florence or flo or da king jr.
strip 1. the art: medyo squiggly peo decent naman- but i do suggest practice. may ms paint feel sya na di ko maexplain- is that what you're trying to go for? parang yung new grounds video game parody cartoons o yung mga brad neely vids na pinopost ko dito. i'm happy na marunong ka magphotoshop at frankly, ako di gaano magaling mag-photoshop. peo yung effect na question marks na faded medyo jarring sya against the rest of the art. parang di bagay. pero i like the idea though.
the lettering: lakihan mo. seriously. kung nasa dyaryo sya di sya mababasa. pero if you're gonna keep this as a webcomic- ok na yung ganyang size.
the joke: gets ko. guy in green sees a friend. he seems to have an identical twin. he rubs eyes to see if he's seeing a mirage or a vision or something. he turns away. teddy bear pala yun na naka costume and his friend likes playing tricks on him.
ang tanong ko bakit? bakit ginagawa to ni master or maestro. is he insane, is he the trickster god loki,how does he benefit from this? masyado kasing kakaiba at hinde normal yung ganyang biro. so gumawa sya ng mask ng mukha nya para lokohn si guy in green. dahil nagpapansin ba sya? crush nya ba si green guy? bakit? bakit? may nire-reference ka bang anime or manga dito? bakit ganito?
kung gagawa ka ng joke sana mas clear kung bakit sya dapat funny, kahit di overt- leave clues para sa reader mo. k
strip 2 art: may skills ka sa photoshop ha (cool yun) yung grass na background jarring uli. i drowing mo na lang yun or just color the ground green. mas ok yung dawings mo ng animals kesa humans. at ok yung aksyon na umiiyak sya. very anime. again hone your drawing skills, kaya mo yan. question, gaano kaliit tong actual drawing na to? parang maliit lang sya.
lettering- lakihan mo yung font size ng speech nila. importante sa comic strip na to na mabasa yung sinasabi ng mga characters. use word balloons din kasi. nahahalo yung lettering sa background tuloy.
grammar: be careful sa grammar. may mga mali. photoshop na ang lettering mo kaya less tedious at mas madaling i-correct ang mistakes. ako nun hirap na hirap kung may mali ako dahil binubura ko lahat gamit liquid paper. kaya minsan pinapabayaan ko na lang. wag nyo akong gayahin
joke: di ko gusto. first off parang nagbabalita ka lang ng isang pangyayari na alam na ng lahat. walang bagong insight or anything. ok, siguro gusto mo ipakita na kahit tough si wolverine umiyak din sya s piracy. pero thee are better ways of showing this. sana pinarody mo. gawin mong public service address against piracy or gawin mong si rorschach ng watchmen ang nagupload nung movie dahil magkaaway ang warner bros at fox studios. second. sino kausap ni teddy bear? yung audience ba? are you breaking the fourth wall? may iba ba syang characters na kausap? sana isama mo sa panel.
so ayun. try refining your humor and your drawings. pwede mong sabihin na di ko gets kasi maraming characters yan at parts lang sila ng isang malaking storya pero dapat every comic strip can stand on its own (pero i must say LIP di ganun- di rin ako maintindihan madalas)
.
|
|
|
Post by j villanueva on May 7, 2009 14:20:05 GMT -5
eto sa akin. ang title god hates me
|
|
|
Post by fpj jr on May 7, 2009 22:21:50 GMT -5
i see... medyo may kasalanan din ako sa parehong strip kasi maliit lang yung panel ko kanila tina-try ko na lakihan na ang panel para mas fine ang scan. tapos isa ko rin problema yung background. nag-research ako sa coloring at editing (nakita ko yung tutorial ng webcomics na "copper") at na-overwhelm ako .sa drawings, nagpapractice na ako ulit lalo na sa tao kasi ang kahinaan ko yung hands at feet at minsan pati yung proportion ng katawan. ang question ko lang kapag nag-scan kasi minsan ang dami dumi kahit na -erase mo nang mabuti? kaya manu-mano kong tinatangal pero mukhang di refined yung kalalabasan. sa story naman, medyo korny pa ako minsan kaya kailangan ko rin mas maging sensitive sa mga mambabasa...kaya basa ako ulit ng comics ( LiP, beerkada, callwork, chopsticks, kahit calvin and hobbes) at chineck ko rin yung isang site ng isa pang cartoonist ng mb si kaide, may entry din siya dun about the cartoon strips. at marami din akong nakitang magandang points na katulad sa sinabi niyo po. post ko lang yung ilan sa notes.... "Layout issues mostly circulated around non-uniform panels and spaces in between, as well as protrusions from the panels themselves (a la the Samm Schwartz-era Archie comics). We were told to keep everything inside the panels, and to make spaces uniform so as not to give the layout guys any more headaches.
Typography. Another thing that was pointed out was that some strips were employing type that was too small and unreadable at times. We were also told to simplify dialog and not use words that were too esoteric and outside the vernacular (I promptly got stared down for this)."yung topic naman sa color at CMYK, niresearch ko rin pero hindi ko priority yun sa ngayon... siguro ang general rule ay.... simple, clear and interesting... thanks po sa critique... now working on it!
|
|
|
Post by j villanueva on May 8, 2009 0:22:22 GMT -5
ah si kaide, oo. meeting namin yun. importante rin ang cmyk. turuan ko kayo. gagawa ako ng tutorial.
pag may meeting ako yung laging bukambibig ni sir roni- yung lumalagpas sa panels ako yun, yung may maliit na dialogue ako yun, yung nagdo-double image-ako yun, yung masyadong maraming dialogue ako yun, yung gumagamit ng kakaibang words- ako yun (pero ngayon ok na kay roni)
yung sa scanning gagawa ako ng tutorial para sa inyo.
yung drawing mo ba 3X 10? malaki laki na yun.
dapat maglaan ka ng space for your characters at para sa dialogue. planuhin mo na yung sasabihin nila (pero again, ako di ganun. bara bara ako)
dun sa jokes- hmmm. sige look over the books. pero para mas astig panoorin mo yung favorite shows mo or favorite comedic movies. para kakaiba ang dating sa yo at mabago ang view point sa story telling mo. nagiging effective ang joke kung maganda ang story telling (sa book 3 ko- flat yung ibang jokes dahil lat ang storytelling ko)
ayun. kaya mo yan. practice lang ng practice! i'm an ass, wag mo ko seryosohin.
|
|
|
Post by fpj jr on May 8, 2009 4:28:46 GMT -5
OK! working on it...
guys post niyo naman sa inyo... alam ko si mac meron din... go! alam ko may talent din kayo sa comic making
|
|
|
Post by j villanueva on May 8, 2009 11:59:50 GMT -5
hala, parang nag usap usap kami na tatalon tayo sabay abya sa bubong pero nung natapos na magbilang ikaw lang tumalon.
owts
|
|
|
Post by maclufetz on May 8, 2009 22:33:21 GMT -5
I still am working on it...
Waha!
And I'm still trying to learn how to use water colors hehe!
|
|
|
Post by j villanueva on May 9, 2009 0:39:31 GMT -5
hehe. i-mix media mo mac. haluan mo ng pastels.
pati don't color on the original. ipa-xerox mo
|
|