|
Post by j villanueva on Jul 4, 2009 4:40:34 GMT -5
magaling magaling.type ko na rin mga chicks mo sa comix.wahaha.sama mo naman ako dun.wahaha. sama raw si intro sa pagvo-volt in nyo. go intro!
|
|
|
Post by j villanueva on Jul 4, 2009 4:56:44 GMT -5
huy kung mgvo-volt in kayo maghanap kayo ng kwarto The way you said this made me imagine stuff... na surreal .. Hayop talag imahinasyon ni kuya J! ;D Oo tara! MAG VOLT IN TAYO GAWA TAYO BOLD NA COMICS!! Let's BOLD IN! BOLDTES TRES! (MAC,FPJ,INTRO) Wahha! Joke! ;D Pero parang feeling ko hindi suportado ng mga samples na ibibigay ko sa story description ng komiks ko.... Ang objective kasi ng komiks ko eh maipakit sa buong nasyon ang hirap at sarap ng pamumuhy sa slum part ng city! Isang barangay na puno ng katatawanan, gulo at drama... Bihira lng kasi mga komiks na featured ay mga mahihirap na tao.. So I'll try to pursue this! Tingin mo kuya J sapt na ng mga strips na ito para suportahan ang story description? sana nga ganun na lang.may onting social commentary. pero di sya halata dito. sa totoo lang, para lang syang life in progress o bokswagon na tropahan lang. sana less teenagers. sana walang central character parang ke manix. sana yung barangay mismo yung bida (barangay bajiw?) kala ko nung una barkada sila (hmmm, mga barkadahan sa bulletin: bokswagon, LIP, ah hule (pero duo sila) chopstix (pero mas ihahanay ko sila sa pupung) hmmm.... malaki problema mo mac. di ko naisip to. this isn't something na di pa nakita ni sir roni. baka di sya maimpress. pati yung batman strip, ano yun? wag kang mag cameo ng iba kaagad. at kung ilalagay mo sya dun sa urban poor milieu wala syang sense. men, kung ako gagawa nito: sismulan ko dun sa "mac" character na bagong dating lang sa manila. tapos makikilala nya yung mga tao sa paligid nya. sana di lahat teenager. sana iba iba ang estado sa buhay at edad. may matanda, may bata, may kaedad nya, may mga siga, may mga baliw na pagala gala, may mga tindera na mataas magpatong, may mga under ng asawa, may mga pa-gangsta, kung anu anu pa. syet. ang ganda nun. pero ikaw na bahala. ps. wag mo muna tingnan yung gawa ng iba. maganda yung concept mo. dun mo simulan yung pagpapatawa. wag mo munang ipasok si batman. at yung basketball, mas maganda kung sa kalsada yung laro tapos nag dunk sya ng mala lebron pero kalaban nya mga bata lang at yung ring di na nya kailangang tumalon para maabot ito. digs?
|
|
|
Post by j villanueva on Jul 4, 2009 5:16:35 GMT -5
YES!!! AFTER DARN DAYS THAT OF WAIT!! HERE IT IS!!!! Go and criticize! I need it! COMIC 1: COMIC 2: COMIC 3: COMIC 4: And I also tried making a Sunday strip.. COMIC 5: Too bad I forgot all about Kuya J's teachings about the scanning progress... Instead i let the Friggin computer shop owner do the work.. Kaya nagmukhang maliit ang mga ito.. Kung naturuan lang ako mas-mahusay pa dito magagawa ko(Yabang!)... I want to Learn PHOTOSHOP!!!! Water color and Color Pencils na lang ginamit ko kasi magastos magpa-scan at mag-edit sa photoshop... plus I don't know how to use it.. These are just 5 out of the 14 samples that I made... Yeah that's right, there's still 9 that I haven't shown yet including 1 sunday comic.. Waha! Making comics the Traditional way! comic 1. ok sya. nagamit mo yung background sa pagpapatawa. at pinapakita ang traits ng main character. bayolente at impulsive comic 2. gusto mo mag introduce ng hot chicks. sige go lang. wala syang pinapakitang character though. ano ugali nya? suplada, mabait, mataray. at pinapakitang kups din yung main character. mala sakuragi. medyo nakakainis yung main dito. at alam mo ba na may sexual connotation yung may sinasambulat ka na puting bagay sa mukha ng girl? baka nga alam mo pero dude, malaswa yun. tsk tsk 3. paborito ko to. katawa sya, maganda rin yung backgrounds mo. yung naka-hat din ba yung main character mo? masyado ring wang yung malaking. madalas kasing mapa-trobol sa chicks si wang. sana gawin mo syang parang si big bert ng voltes v or parang si colossus ng xmen. malaki nga at malakas pero mahina ang loob or mabait at maintindihin. 4. hmmm... ayoko nito. napaka gratuitous nung cameo. ok lang mag cameo pero medyo senseless. parang walag joke. halloween ba? eto ba ay isang comic book reference? alam mo bang may vampire batman talaga pero di ganyan itsura nya, kung may mga nerd reference ka sana mas accurate ok. at kahit ako nagsisisi sa mga cameo ng ibang characters sa LIP comic 5: wow, pang sunday. ok lang sya pero may mali dun sa eksna sa huli. pwede syang gawing mas nakakatawa kung papalitan yung last panel. sana nga parang yung nabanggit ko na sa taas yung ginawa mo. ayun lang i'm a know it all.
|
|
|
Post by maclufetz on Jul 5, 2009 7:36:57 GMT -5
ooh... *shot straight through the heart* Digs ko na! Salamatz kuya J! WAHAHARGX! oo nga pala.. about dun sa COMIC 3 wala dun yung main.. Yung naka-hat utol ko yun tsaka yung mataba yung K*** kong kaibigan naasar lang ako sa kanya kaya sya ginawa kong karakter dyan pero hindi ko sya balak ilagay sa characters ko sa susunod kong gagawing strips...
Ang balak kong takbo nito: Sisimulan ko dun sa bida na nasanay sa "may kaya" na pamumuhay.. isip-bata pero demonyo kapag naging kaaway.. pero lumayo sya sa dating tirahan dahil sa "gulo" na kinasangkutan! At tutuloy sya sa lugar ng lola nya kung saan lumaki ang kanyang nanay at tatay noon.. Isang barangay na may iba't-ibang estado sa buhay pero mas marami ang "salat"..Tapos may makikilala syang lalake na pormang mahirap pero mayaman pala(Kasi kapag tumatakas sya sa bahay nila nagpo-pormang mahirap sya para iwas kidnap waha!).. At yun ang magiging bespren ng bida! at itu-tour sya ng bespren nya sa buong barangay dahil baguhan pa sya at dun makikita nya kung pano namumuhay ang mahihirap.. Mararanasan nya rin ang hirap dahil sa Squatters area kasalukuyang nakatira ang kanyang lola.. makakakilala sya ng mga bagong kaibigan habang tumatagal sya dun! Magkakaroon din ng mga balakid at pang-asar na tao gaya ng mga "Siga", "Mga chismosa", mga malalanding babae(yung tipong tambay lang na walang alam sa buhay maliban sa lumandi).. Pero magiging kilala sya dun ng mga adults dahil kilala nila ang tatay niya na dating pinaka-siga at pinaka-malakas sa lugar na iyon noon at ang nanay niya ang pinaka-maganda.. pero hindi alam ng bida dahil hindi pa iyon nakwento ng mga magulang nya sa kanya.. yada yada yadah blah blah blah ah basta! Gagawa ako ng mga bagong SAMPLES na tutugma at su-SWAK sa description na toh waha!
|
|
|
Post by maclufetz on Jul 5, 2009 7:39:00 GMT -5
god ang haba...
|
|
|
Post by j villanueva on Jul 6, 2009 3:30:09 GMT -5
ok lang yan.
sige gawin mo!!!
|
|
|
Post by kuysuL on Aug 20, 2009 12:54:09 GMT -5
envy eats me---never have the skills, hanggang doodles lang ako.,
full support here!
|
|
|
Post by j villanueva on Aug 20, 2009 19:15:58 GMT -5
ok lang ang doodles.
maraming comicstrips na di magaling yung artist.
at mas pure tingnan kung mas simple yung drawing
|
|
|
Post by kuysuL on Aug 22, 2009 1:12:28 GMT -5
i am trying to...
sinusubukan ko sa notebook ko sa research hahaha.
sobrang boring kasi.,. ^^
sana makapagpost na din ako dito.
|
|
|
Post by azurangit on Aug 22, 2009 5:40:21 GMT -5
envy? you can say that again. ipagchi-cheer ka nalang namin, kuya mac.
|
|
|
Post by fpj jr on Aug 22, 2009 8:42:51 GMT -5
dapat gawing reality show ang comic making...
|
|
|
Post by j villanueva on Aug 22, 2009 10:22:41 GMT -5
ahm... masyadong depressing
|
|
|
Post by introvert on Aug 23, 2009 13:29:33 GMT -5
time pressure.wahaha~
|
|
|
Post by maclufetz on Aug 29, 2009 6:48:04 GMT -5
comic making isn't that easy you know waha! minsan spaced out ako kakaisip ng magandang idea... at kung gagawing reality show... pigaan siguro ng utak yun...
|
|
|
Post by fpj jr on Aug 29, 2009 7:05:25 GMT -5
oh kay hirap talaga...
|
|